Huling binago noong 02/01/2023
Ang SoCalGas ay Nangangakong Poprotektahan ang Pagkapribado ng Impormasyon ukol sa Inyong Paggamit ng Enerhiya
Ang Southern California Gas Company (SoCalGas) ay nangangakong poprotektahan ang pagkapribado ng impormasyon ukol sa inyong Paggamit ng Enerhiya at tinitiyak na ang proteksyon ay nangyayari kapag nangongolekta, nagbubukod-bukod ayon sa uri, gumagamit at nag-uulat ng naturang impormasyon.
Ayon sa SoCalGas, ang Paggamit ng Enerhiya ay ang: detalyadong impormasyon ukol sa Paaggamit ng Enerhiya na nakuha sa pamamagitan ng aming makabagong imprastruktura sa pagmemetro na may kakayahang mangolekta ng impormasyon ukol sa pang-araw-araw o pang-oras-oras na paggamit, na may kaugnayan sa anumang impormasyon na madaling makakapagtukoy ng isang tao, lugar o negosyo, Isang halimbawa ay ang impormasyon ukol sa detalyadong paggamit ng gas kasama ang inyong pangalan at numero ng account ng utility.
Upang maprotektahan at matiyak ang pagkapribado ng kustomer, ang CPUC ay nag-isyu ng Mga Patakaran Ukol sa Pagkapribado at Proteksyon ng Seguridad para sa mga datos ukol sa Paggamit ng Enerhiya. Ang mga patakarang ito, na inilarawan sa SoCalGas' Tariff Rule No. 42, ay nagbabawal sa SoCalGas at sa iba pang mga utility ng California na maglabas ng impormasyon ukol sa Paggamit ng Enerhiya nang walang nakasulat na pahintulot ng kustomer maliban na lamang sa ilalim ng ilang mga kaganapan.
BAKIT NANGONGOLEKTA ANG SOCALGAS NG IMPORMASYON TUNGKOL SA PAGGAMIT NG KURYENTE
Nangongolekta kami, nagtatago, at gumagamit ng impormasyon tungkol sa inyong paggamit ng kuryente para sa iba’t ibang mga layunin, kabilang ang:
Pagkalkula ng mga bill: Upang malaman kung magkanong gas ang ginamit ninyo upang masingil kayo nang wasto. Ang impormasyong ito ay sinusukat at kinokolekta mula sa metro ng inyong gas.
Pagpaplano ng Sistema: Upang makapagplano para sa pagpapahusay ng imprastraktura na ginamit para sa paghahatid ng kuryente. Ginagamit din namin ang impormasyong ito upang makapagplano para sa kung magkanong gas ang kailangan naming bilihin.
Pagka-episyente ng kuryente: Upang matulungan tayo na makapagplano at makapagsukat ng pagka-epektibo ng mga programang pang-kuryente na binalangkas ng estado.
Ayon sa iniaatas ng batas, ng pamahalaan, at ng mga tagapagsaayos.
PAGPAPANATILI
Pinanatili ng SoCalGas ang Impormasyon ukol sa Inyong Paggamit ng Enerhiya nang Hanggang Sa Loob Lamang Ng Panahong Kakailanganin
Pananatilihin ng SoCalGas ang impormasyon tungkol sa inyong Paggamit ng Kuryente nang hanggang sa pinakamahabang panahon lamang na kakailanganin upang mapaglingkuran kayo at maasikaso ang mga bagay-bagay na tulad ng mga hindi pinagkakasunduang halaga ng singil, mga tanong at pagpaplano ng sistema. Ang panahon ng pagpapanatili ay nagkakaiba-iba batay sa mga tukoy na pangyayari at sa mga pangangailangan ng negosyo at pinaka-karaniwan na ang sampung taon.
KAILAN IBINABAHAGI NG SOCALGAS ANG IMPORMASYON TUNGKOL SA PAGGAMIT NG KURYENTE
- Pagbabahagi sa mga taga-ikatlong partidoMaaari naming ibahagi ang impormasyon tungkol sa paggamit ng kuryente sa iba’t iba pang mga kompanya upang mapaglingkuran kayo. Kabilang sa mga kompanyang ito ang mga tagapagkaloob ng episyenteng kuryente na kasama nating nagtatrabaho upang maipatupad ang mga pangunahing layuning inilarawan sa itaas.
Paminsan-minsan, maaari naming hingin ang inyong pahintulot na maaaring iatas upang ibahagi ang impormasyon tungkol sa paggamit ng kuryente sa iba pang mga entidad nang walang kaugnayan sa mga naturang layunin.
Malilimitahan ninyo ang pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa inyong paggamit ng kuryente sa pamamagitan ng pagpapatala sa ilang mga partikular na programa ng SoCalGas. Ang inyong hayagang pahintulot ay kailangan upang makasali sa ilang mga programa. (halimbawa, Programang Disk’wento para sa Pagka-episyente ng Enerhiya o Energy Efficiency Rebate Program). Ang kahihinatnan ng hindi pagbibigay ng pahintulot na isiwalat ang impormasyon tungkol sa inyong Paggamit ng Kuryente ay ang malamang na hindi ninyo mapakinabangan ang mga benepisyo ng mga programang ito. Ang kakayahan namin na ibahagi ang impormasyon tungkol sa inyong paggamit ng kuryente ay limitado rin ng mga naaangkop na batas. - Pagbabahagi ayon sa pinili moMakakapagtalaga kayo ng iba pang mga kompanya na tumanggap ng inyong impormasyon. Kapag ginawa ito, kailangang maging masigasig kayo at tanging mga pinagkakatiwalaang mga taga-ikatlong partido lamang ang itatalaga.
- Pagbabahagi para sa iba pang mga layuninMaaari naming ilabas ang mga impormasyon tungkol sa paggamit ninyo ng kuryente: 1) alinsunod sa isang prosesong legal (tulad ng isang mandamyento o warrant o isang sitasyon o subpoena), 2) sa mga tumutugon sa emerhensiya kung sakaling may nalalapit na banta sa buhay o ari-arian, 3) ayon sa iniutos ng CPUC.
Paano Makikita Online ang Inyong Impormasyon ukol sa Paggamit ng Enerhiya
Ang mga Residensiyal at Komersiyal/Industriyal na Kustomer na may mga nakakabit na makabagong mga metro ay maaaring tumingin ng kanilang mga datos ukol sa Paggamit ng Enerhiya sa pamamagitan ng My Account na nasa www.socalgas.com/my-account/. Ang mga Kustomer na Noncore ay maaaring tumingin ng kanilang mga datos ukol sa Paggamit ng Enerhiya sa SoCalGas Envoy® sa www.socalgasenvoy.com.
Paano Titingnan Online ang mga Pabatid ukol sa Pagkapribado
Isasapanahon namin ang Pabatid na ito ayon sa pangangailagan at pasasabihan namin ang mga kustomer ng naturang isinapanahon sa pamamagitan ng pagpapaskil ng binagong Pabatid sa aming website. Pasasabihan din namin kayo taon-taon na bisitahin ang pinakanapapanahong bersyon ng Pabatid na ito.
Kung gusto ninyong makatanggap ng isang kasalukuyan o dating bersyon ng Pabatid na ito, kung may mga tanong kayo o alalahanin ukol sa Pabatid na ito, o kung gusto ninyong malaman kung paano ninyong lilimitahan, titingnan o sasalungatin ang inyong isiniwalat na impormasyon, maaari kayong makipag-ugnayan sa amin sa:
Email: webmaster@socalgas.com
Koreo sa U.S.:
Attn: Customer Privacy Program Manager
Southern California Gas Company
P.O. Box 1626
Monterey Park, CA 91754
Customer Service Representative
Residential Customers: 800-427-2200
Business Customers: 800-427-2000
Mangyaring bisitahin ang aming Sentro sa Pagkapribado para sa karagdagang impormasyon ukol sa pagkapribado.