Ang Southern California Gas Company ay nakatuon sa paninigurado na ang aming mga bisita ay nabigyang kaalaman kung paano namin ginagamit ang impormasyon na nakukuha sa aming web site, sa aming web site na ginawa para sa mobile, at sa aming mga mobile app (sa pangkalahatan, ang "web site"). Sa paggamit ng aming web site o pagkuha ng anumang produkto o serbisyo sa pamamagitan ng aming web site, pumapayag kayo sa pagkalap at paggamit ng impormasyon ayon sa nakatakda sa patakarang ito. Kung hindi kayo sang-ayon sa mga patakarang ito, mangyari lamang na huwag gamitin ang web site.
Mangyaring magkaroon ng kamalayan na ang ibang mga site na napupuntahan sa pamamagitan ng web site ng SoCalGas ay may kanilang sariling mga patakaran sa pagkapribado at sa pagkolekta ng datos, paggamit, at mga pagsasagawang may kaugnayan sa pagsisiwalat. Ang mga pagsasagawa ng impormasyong nasa iba pang mga site na naka-link sa mga web site ng SoCalGas ay hindi sakop ng patakarang ito sa pagkapribado.
I. Mga Impormasyon na Aming Kinukuha at Kung Paano Namin Ito Ginagamit
Upang mas mahusay na maibigay sa inyo ang mga produkto at serbisyo, nangongolekta ang web site ng SoCalGas ng dalawang uri ng impormasyon: Personal Na Impormasyon at Hindi Personal na Impormasyon.
Personal na Impormasyon: Ang "Personal na Impormasyon" ay tumutukoy sa impormasyon na nagpapabatid sa amin sa mga detalye kung sino kayo at maaaring magamit upang kilalanin, tawagan, o hanapin kayo. Maaari ninyong piliin na huwag magbigay ng anumang Personal na Impormasyon at mapupuntahan pa rin ninyo ang karamihan sa mga bahagi ng web site. Gayunpaman, ang Personal na Impormasyon ay maaaring kolektahin mula sa mga bisita na naghahangad na makakuha ng mga serbisyong ipinagkakaloob ng SoCalGas sa web site na ito, tulad ng:
· Pag-eenrol sa at paggamit ng My Account;
· Mga aplikasyon na patungkol sa mga posibleng trabaho;
· Pag-eenrol sa CARE o iba pang mga programang tumutulong sa kustomer;
· Paggamit sa mga mobile app ng SoCalGas;
· Mga aplikasyon para sa pagsali sa programa para sa pagka-episyente ng enerhiya, mga rebate, at mga insentibo; at
· Humihiling na maisama sa listahan ng SoCalGas na pinadadalahan ng sulat sa koreo, sa email, tinatawagan sa telepono o sa cell phone, ayon sa kung paano pang ilalarawan nang mas detalyado sa web site na ito paminsan-minsan. Bukod pa rito, ang mga online na komunikasyon na may kaugnayan sa serbisyong pang-utilidad ay maaari ring mangailangan ng kasunod na kontak (tulad ng mga email, text, at "mga call back" sa telepono) at mga pagtugon patungkol sa serbisyo na ginagamit - kabilang ang mga pagsingil at mga pagbabayad.
Ang mga halimbawa ng Personal na Impormasyon na maaari ninyong isumite ay ang inyong pangalan o, kapag isinama sa inyong pangalan o iba pang impormasyon na maaaring makatuwirang gamitin upang tukuyin kayo, ang inyong papadalhang address, numero ng telepono, numero ng mobile na telepono, email address, at iba pang impormasyong nagbibigay ng pagkakakilanlan at impormasyon sa pakikipag-ugnayan. Maaari rin naming kolektahin ang ilang impormasyon sa pinansiyal na account (kung pinili ninyong ibigay ito), pati na rin ang iba pang mga uri ng impormasyon na maaaring nailagay na ninyo sa mga aplikasyon ninyo sa trabaho. Sa kaganapan na sumali kayo sa programang CARE, maaari ring hingin sa inyo na sabihin ang inyong pagpapatala sa iba pang programa ng pamahalaan (tulad ng mga food stamps/SNAP, Supplemental Security Income, at ang National School Lunch Program).
Ginagamit ng SoCalGas ang mga Personal na Impormasyon na ito upang magbigay ng mga serbisyo, maisagawa ang negosyo nito, at pagandahin ang karanasan ng aming mga bisita sa aming web site.
Hindi Personal na Impormasyon: Ang "Hindi Personal na Impormasyon" ay tumutukoy sa impormasyon na hindi kumikilala sa isang tiyak na indibidwal sa pamamagitan ng kanyang sarili o kasama ang iba pang mga Hindi Personal na Impormasyon. Ang SoCalGas ay maaaring mangolekta ng Hindi Personal na Impormasyon sa pamamagitan ng paggamit ng cookies, agent, o sa pamamagitan ng koleksyon ng traffic data at impormasyon sa lokasyon.
Do Not Track: Sa kasalukuyan, ang aming web site ay hindi tumutugon sa mga signal na Do Not Track (DNT) na ipinadala mula sa inyong web browser. Bukod pa dito, gumagamit kami ng iba't-ibang mga serbisyong mula sa mga taga-ikatlong partido na nakakatulong na magbigay ng aming mga serbisyo at upang matulungan kaming maunawaan ang gamit ng aming web site. Ang mga taga-ikatlong partido na nagkakaloob ng serbisyo ay maaaring mangolekta ng impormasyon na ipinapadala ng inyong browser bilang bahagi ng kahilingan ng pahinan g web, kahit na pinagana ninyo ang paggamit ng DNT ng inyong browser.
Cookies: Ang web site ng SoCalGas ay maaaring magtagong cookies sa inyong computer o iba pang aparato upang payagan kami na subaybayan ang inyong paggamit sa web site. Walang mga pagtatangka na ginagawa upang makilala ang mga indibidwal na gumagamit maliban na lamang kung may mga aksyon na ginawa upang makilala kayo ng isang "opt in," halimbawa:
· Ang indibidwal na mga serbisyo ay hiniling;
· Ang aplikasyon ay ginawa patungkol sa mga posibleng trabaho;
· Hiniling na isama sa isang listahan ng padadalhan ng SoCalGas ng sulat sa koreo;
· Isang labag sa batas na gawain o hindi pinahintulutang aktibidad ay pinaghihinalaan; o
· Ang pagkakakilanlan ng gumagamit ay kinakailangan ayon sa batas.
Ang Cookies ay ginagamit upang mapabuti ang kapakinabangan ng aming web site para sa aming mga bisita.
Mga Agent: Maaari din kaming makipagtulungan sa mga tagapagkaloob ng serbisyong mula sa mga taga-ikatlong partido na nagpapatupad sa mga "mga agent" na subaybayan, at suriin ang pag-uugali ng gumagamit at datos ng trapiko sa kanilang mga aparato at sa web site na ito. Ang impormasyon na nakolekta sa pamamagitan ng mga agent ay maaaring kabilangan ng, nang walang limitasyon: modelo ng hardware, unique device identifiers (UDID), impormasyon sa mobile network kabilang ang numero ng telepono, ang bersyon ng agent, platform, bersyon ng SDK, timestamp, API key (tagatukoy para sa aplikasyon), bersyon ng aplikasyon, modelo, tagagawa at bersyon ng OS ng aparato o hardware, simula ng sesyon/paghinto ng oras, locale, time zone, at ang katayuan ng network (WiFi, atbp). Ang mga impormasyon na nakolekta sa pamamagitan ng mga agent ay ginagamit upang maiayos ang mga serbisyo at mapabuti ang kapakinabangan ng web site. Maaaring kilalanin ang mga indibidwal na gumagamit kasama ang dati nang ibinigay na Personal na Impormasyon sa pamamagitan ng mga impormasyong nakolekta ng mga agent.
Traffic Data: Ang SoCalGas ay awtomatikong nangongolekta at nagpapanatili ng mga impormasyong istatistikal mula sa mga talaan ng datos ng aming web site na may kinalaman sa aktibidad ng web site, nabigasyon, daloy ng trapiko ng network, at dami ("Traffic Data"). Ang mga halimbawa ng Traffic Data ay ang mga sumusunod:
· Pangalan ng domain, o URL, mula sa kung saan napupuntahan ng bisita ang Internet (halimbawa, "isang kumpanya.com"; "isang paaralan.edu"; o "isang ahensiya.gov");
· Numero ng Internet Protocol (“IP”);
· Uri ng web browser na ginamit;
· Mga Web pages na binisita; at
· Petsa at oras na ang web site na ito ay binisita.
Ang aming pangunahing layunin para sa pagkolekta ng Traffic Data ay upang maisagad ang pagiging kapaki-pakinabang sa mga bisita ng aming web site. Ang Traffic Data ay nakakatulong rin na pahintulutan kami na mapabuti ang kabuuang karanasan ng mga gumagamit sa aming web site. Maaaring kilalanin ng Traffic Data ang mga indibidwal na bisita kasama ang dati nang ibinigay na Personal na Impormasyon.
Impormasyon ukol sa Lokasyon: Ang mga iilang serbisyo na pinapagana ng lokasyon (halimbawa, paghahanap sa pinakamalapit na bayaran ng SoCalGas o pinakamalapit na istasyon ng CNG) na ginawang magagamit sa web site ng SoCalGas ay ibinibigay ng mga tagapagkaloob mula sa mga taga-ikatlong partido. Ang inyong paggamit sa serbisyong iyon ay sasailalim sa mga tuntunin at kundisyon ng nasabing taga-ikatlong partido at sa patakaran sa pagkapribado (na binabago sa pana-panahon). Kapag gumamit kayo ng mga nasabing serbisyo na pinapagana ng lokasyon, ang SoCalGas ay maaari ring makatanggap ng impormasyon tungkol sa inyong aktwal na lokasyon, tulad ng mga GPS signal na ipinadala ng mobile device o sa pamamagitan ng inyong IP address. Ang mga serbisyong pinapagana ng lokasyon ay maaari ring gumamit ng iba pang mga teknolohiya upang matukoy ang lokasyon, gaya ng sensor ng datos mula sa inyong aparato na maaaring, halimbawa, magbigay ng impormasyon sa kalapit na mga access point ng Wi-Fi at mga cell tower. Ang impormasyon ng lokasyon ay tumutulong sa SoCalGas na maiayon at maibigay ang serbisyo na naaayon sa inyong mga pangangailangan. Maaaring kilalanin ang mga indibidwal na gumagamit kasama ng dati nang ibinigay na Personal na Impormasyon sa pamamagitan ng impormasyon ng lokasyon.
II. Pagbabahagi ng Inyong Impormasyon sa Mga Taga-Ikatlong partido
Ang SoCalGas ay hindi magbabahagi ng inyong mga Personal na Impormasyon sa mga taga-ikatlong partido para sa kanilang mga layuning pang-komersyal maliban sa maaaring ibahagi ng SoCalGas ang inyong Personal na Impormasyon sa mga taga-ikatlong partido, nang wala ang inyong pahintulot, kabilang ang ilang mga kaanib na kumpanya (ang parehong naaangkop na batas at regulasyon) o iba pang mga pinagkakatiwalaang mga negosyo para lamang maisagawa nila ang kanilang mga serbisyo para sa SoCalGas na may kaugnayan sa mga sariling layuning pang-negosyo ng SoCalGas (nakabatay sa pagiging kumpedensyal at obligasyon sa seguridad).
Pagsunod sa mga Batas at Kaligtasan ng Publiko: Maaari ring magsiwalat ang SoCalGas ng mga Personal na Impormasyon kapag malakas ang paniniwala namin na ang naturang pagsisiwalat ay kinakailangan upang sumunod sa mga may-katuturang batas o tumugon sa mga subpoena o warrant na ibinigay sa amin o upang protektahan o ipagtanggol ang mga karapatan, ari-arian, o kaligtasan ng aming mga manggagamit, iba pa, o ng aming mga sarili. Ang SoCalGas ay maaaring atasan ng batas o ng mga awtoridad na panghukuman na magbigay ng Personal na Impormasyon sa angkop na awtoridad ng pamahalaan. Isisiwalat namin ang Personal na Impormasyon pagkatanggap ng utos ng hukuman o subpena o upang makipagtulungan sa isang pagsisiyasat sa pagpapatupad ng batas. Ang SoCalGas ay ganap na nakikipagtulungan sa mga ahensiya ng pagpapatupad ng batas sa pagtukoy sa mga gumagamit ng aming mga serbisyo para sa mga ilegal na aktibidad. Inilalaan ng SoCalGas ang karapatan upang mag-ulat sa mga ahensya sa pagpapatupad ng batas ng anumang aktibidad na pinaniniwalaan naming labag sa batas.
Pagsasama at Pagbili: Sa kaganapan ng isang pagsasama-sama, pagpapatatag, pagbabagong-tatag, o pagbebenta o paglilipat ng lahat o ilang mga ari-arian o negosyo ng SoCalGas, ang isa sa mga ari-arian na ililipat ay ang impormasyon na kinokolekta namin mula sa aming mga bisita at mga kustomer (kabilang ang parehong Personal na Impormasyon at Hindi Personal na Impormasyon). Gayunman, ang paggamit ng impormasyong ito ng anumang kahalili ay pamamahalaan pa rin ng mga tuntunin ng patakarang ito, na sinusugan paminsan-minsan, kabilang ang anumang mga susog pagkatapos ng nasabing transaksyon.
III. Mga Pagsasagawang may Kaugnayan sa Seguridad ng Impormasyon
Ang SoCalGas ay gumagamit ng makatuwirang pagsusumikap upang pigilan ang mga taga-ikatlong partido mula sa pagkuha, pagbago, o pagsira sa mga impormasyon na ginawang magagamit ng SoCalGas sa pamamagitan ng web site na ito. Kasama sa mga pagsisikap na ito ay pagsubaybay sa trapiko ng network upang matukoy ang mga hindi awtorisadong pagtatangka na maglagay o baguhin ang impormasyon at sa ilang mga pagkakataon ng pag-encrypt ng sensitibong impormasyon gamit ang Secure Socket Layer ("SSL") o iba pang maihahambing na teknolohiya. Nangyayari rin ang pagsubaybay upang maiwasan ang anumang aktibidad na labag sa batas, o kung saan maaaring magharap sa SoCalGas sa mga legal na pananagutan o pinsala. Ang SoCalGas ay nakatuon sa pagpapanatili ng seguridad ng web site at sa patuloy na pagsunod sa batas nang sa gayon mananatiling magagamit ang serbisyong ito para sa lahat ng bisita.
Bagaman ang SoCalGas ay nagsasagawa ng mga makatuwirang pagsisikap upang maiwasan ang hindi awtorisadong taga-ikatlong partido mula sa pagkuha sa Personal na Impormasyon na isinumite sa SoCalGas sa web site na ito, isang labag sa batas na pag-abang o pagkuha ng isang taga-ikatlong partido ay maaari pa ring maging posible.
IV. Kabataan
Ang SoCalGas ay hindi sadyang nangongolekta ng mga Personal na Impormasyon mula sa mga batang 13 taong gulang pababa. Bukod pa rito, wala sa aming kamalayan na may anumang nilalaman ang aming web site na maituturing na nakakapinsala sa mga bata. Kapag napag-alaman ng SoCalGas na kami ay hindi sinasadyang nakakakuha ng Personal na Impormasyon mula sa mga bata na mas mababa sa edad na 13, buburahin namin ang naturang impormasyon mula sa aming mga talaan at aalisin ang nasabing account.
V. Mga Link
Ang web site na ito ay maaaring magbigay ng mga link sa iba't ibang pamahalaan, kapisanan ng industriya at iba pang mga taga-ikatlong partido na web site o materyal. Ang mga link na ito ay ibinigay para sa mga layuning pang-impormasyon lamang. Ang SoCalGas ay hindi nag-eendorso ng anumang mga payo, mga produkto o serbisyo na inaalok ng mga taga-ikatlong partido. Sa sukdulang ang mga materyales na taga-ikatlong partido ay naglalaman ng paninindigan sa katotohanan, rekomendasyon, o anumang iba pang interpretasyon o pagpapayo, ang taga-ikatlong partido ang tanging responsable para sa nilalaman ng mga taga-ikatlong partido site, at ang SoCalGas ay hindi gumagawa ng representasyon sa katumpakan, pagkakumpleto o pagkamarapat para sa anumang layunin o paggamit nito. Dagdag dito, hindi bineripika ng SoCalGas ang mga patakaran sa Pagkapribado na naaangkop sa web site ng taga-ikatlong partido o naka-host na materyales, o tinutukoy kung anong mga kilos ang gagawin ng nasabing partido ukol sa Pagkapribado ng mga bisita. Alinsunod dito, dapat ninyong maingat na suriin ang mga patakaran sa Pagkapribado ng anumang taga-ikatlong partido na site na pupuntahan mula sa anumang SoCalGas na web site. Sa walang kaganapan ay dapat maging responsable para sa anumang nilalaman, mga patakaran o mga pagkilos ng taga-ikatlong partido ang SoCalGas. Hinihikayat kayo ng SoCalGas na magtanong at maging maingat bago ninyoisiwalatang inyong Personal na Impormasyon sa mga taga-ikatlong partido.
VI. Mga Pagpipilian Ukol sa Pagsusulatan sa Merkado
Pang-promosyonal na mga Email: Magkakaroon kayo ng pagkakataon na umayaw sa pagtanggap ng mga email na pang-promosyon para sa mga produkto at/o mga serbisyo na inaalok ng SoCalGas. Sa sandaling maproseso namin ang inyong kahilingan, ihihinto namin ang pagpapadala sa inyo, sa loob ng panahon na ayon sa batas, hindi pang-transaksyon na mga e-mail na pang-promosyon na may paggalang sa mga produkto at/o mga serbisyo na inaalok namin maliban kung magdesisyon kayong muling tumanggap ng naturang mga pakikipag-ugnayan. Maaari kayong umalis sa pagtanggap ng mga hindi pang-transaksyon na mga e-mail na pang-promosyon na mula sa amin alinman sa (a) pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin sa pag-unsubscribe na nakapaloob sa naaangkop na email na natanggap ninyo mula sa amin (kung naaangkop), o (b) habang kinukumpleto ninyo ang aming online web form (kung naaangkop).
Ang Aming Mga E-mail Ukol sa Pamamalakad: Sa kabila ng inyong mga pinili ukol sa hindi pang-transaksyon na mga e-mail na pang-promosyon, maaari kaming patuloy na magpadala sa inyo ng mga email ukol sa pamamalakad para sa hindi pang-promosyon o pang-transaksyon na layunin, kabilang ang, nang walang limitasyon sa: pagsingil, konserbasyon, pamamahala ng outage, at kaligtasan.
VII. Pagbabago sa Patakaran sa Pagkapribado na ito
Inilalaan ng SoCalGas ang karapatan, sa anumang oras, at walang abiso, na magdagdag sa, o baguhin ang Patakaran sa Pagkapribado sa pamamagitan ng paglalagay ng binagong patakaran sa web site na ito. Anumang binagong Patakaran sa Pagkapribado ay agad na epektibo matapos ilagay. Gayunpaman, sa anumang oras na ang patakaran na ito ay mabago, ang petsa ng pagbabago ay ilalagay.
VIII. Pagtatatwa
Ang SoCalGas ay hindi mananagot sa kaganapan na ang anumang password na ibinigay sa isang user ay nakuha sa pamamagitan ng ikatlong partido o para sa anumang labag sa batas na gawaing may kaugnayan sa web site na ito. Sa kaganapan na ang isang gumagamit ay naniniwalang anumang mga password ay nakuha ng mga ikatlong partido nang walang pahintulot, o kung ang bisita ay may iba pang alalahanin sa pagkapribado, marapat na makipag-ugnayan agad ang user sa SoCalGas upang mabago ang password, o gumawa ng mga paraan na naaangkop. Ang pag-abiso na ito ay dapat gawin sa webmaster@socalgas.com.
IX. Mga Tanong o Komento
Kung mayroon kayong anumang mga katanungan o mga komento tungkol sa (a) Patakaran sa Pagkapribado ng aming website, o (b) anumang iba pang mga katanungan tungkol sa web site na ito, SoCalGas o mga serbisyo nito, mangyaring makipag-ugnayan sa SoCalGas sa pamamagitan ng pag e-mail sa webmaster@socalgas.com, o sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono sa (800) 427-2200, o sa pamamagitan ng pagsulat sa:
Centralized Correspondence
Attn: Privacy Policy
P.O. Box 1626
Monterey Park, CA 91754
Monterey Park, CA 91754
Gayunpaman, tandaan na ang impormasyon patungkol sa mga kontak o pakikipagsulatan sa SoCalGas ay maaaring mananatili sa isang talaan na tumutukoy sa inyo.
Maaring tignan din ang aming Abiso sa Pagkapribado (Privacy Notice) ukol sa Pagkapribado ng inyong impormasyon sa paggamit ng enerhiya.
Last Updated February 5, 2016